WHATEVER 10 (CHORVA Style)
Kung may version sina Pablong Pabling, Jelai, Rj, Cayy, Iamloved, Homer, Chikletz at sa kung sinu-sino pa... (patawad po kung hindi ko nabanggit...) siyempre dapat may sariling version ang Chorva ng:
"WHATEVER 10"
same rules... isa sa mga 10 na nasa ibaba ang kwentong barbero kaya hulaan mo na!
same rules... isa sa mga 10 na nasa ibaba ang kwentong barbero kaya hulaan mo na!
1. Mahal ko ang teatro. Sa katunayan grade school pa lamang ako umaarya na ako sa entablado. Pagtuntong ng kolehiyo mas lalo ko pang napagyaman ang hilig ko sa sining. Isa sa mga paboritong performance ko ay ang pagsayaw sa tugtog na: Baliw. Ilang beses kasi namin itong naisayaw sa SM dasma at maging sa aming pamantasan.
2. Nung sinayaw namin siya sa SM Dasma inimbitahan kong manood ang ate at ang aking mommy. Sa kalagitnaan ng aking pagsasayaw may isang lalaki daw ang nag-comment sa harapan nila. Ang sabi:
"Asus! bakla naman yan eh!".
Narinig ng ate ko ang sinabi nung lalaki kaya dali-dali niyang
sinumbong kay mommy. Biglang tumaas ang blood pressure ng aking ina. Sa sobrang pagpapanting ng tainga niya, ito ang nasabi ni mommy:
"Hindi bale nang bakla, matalino naman! IDIOT!!!"
Sabay walk-out nung nagsabi... lolz
3. Dati akong Mass Communication student sa isang sikat na pamantasan sa Cavite. Dahil nauso
ang kursong Nursing, nakipagsabayan na rin ako. Medyo nahirapan nga lang kami sa gastusin. Kaya naman nung panahong nasa level 2 ako, nagbenta ako ng brownies at chicharon sa school para makaipon ng pambili ko ng OB Bag (isang bag na naglalaman ng mga kagamitang pang-nars). Ayun, awa ng Diyos nakabili ako sa Bambang.
4. At dahil hindi sapat ang pagbebenta ng brownies at chicharon upang mapunan ang mga gastusin sa "uso" kong course, napilitan akong huminto noong nasa level 3 na ako. Sayang nga eh, kasi matatapos na yung 2nd semester noong mga panahong iyon. Kaso wala akong magawa dahil 12,000 ang balance namin sa school kaya hindi ako nakapag finals. huhuhu... Ngayon nga naiisip ko na nakakamiss din pala yung pagduduty sa ospital. At siyempre namimiss ko rin ang teatro. Pero no regrets.
5. Siyempre noong mga panahong iyon feeling ko isa akong walang kwentang nilalang. Kaya naman lahat ng oportunidad kinuha ko. Unang pa-audition ng Survivor Philippines, sinubukan ko ang aking swerte. Sinamahan ako nina mommy at ate na mag-audition sa SM North Edsa. Alas-diyes na kami nakarating doon at ang pila? ayun libo-libo na. Siyempre pumila parin ako noh, kaso nung bandang hapon na at nung narerealize ko na walang pag-usad ang buhay doon, nagyaya na akong umuwi na lang.
6. Hindi man ako nag-survive sa napakahabang pa-audition ng Survivor Philippines, sinuwerte
naman ako sa ibang bagay. Muli akong naki-uso at natanggap sa mundo ng call center. Kahit noon tatanga-tanga ako pagdating sa technical chorva, pinilit kong isinaksak sa kokote ko ang mga terminolohiyang pang-computer. After 7 months, nagresign ako kasi:
- Katamaran, naisip ko magaaral naman ulit ako sa October eh.
- Nakaipon na ako, sa katunayan ako ang bumili ng computer na ginagamit ko ngayon.
- Hindi ako masaya sa trabaho. May mga pagkakataong kulang na lang ihampas ko ang ulo ko sa
monitor sa sobrang stress.
7. Sinubukan kong maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Yung tipong walang kinalaman sa "call center". Maswerte parin ako kasi natanggap ako sa teatrong bayan dito sa amin. Kahit hindi kasing laki ng kinikita ko sa call center ang talent fee ko at least gustong gusto ko naman ang ginagawa ko. Proud ako at napasama ako sa una naming production ang: "Sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo." Ito nga pala yung video:
8. At dahil hindi naman araw-araw may raket ang theater group na nasalihan ko kaya ngayon isa akong dakilang tambay.lolz. Isa sa mga naging libangan ko ang blogging habang naghihintay ng susunod na raket. Mahilig din kasi ako magsulat lalao na ng mga fictional stories na may kinalaman sa aking mundo. Sa katunayan, para sa mga hindi nakakaalam ako ang may-ari ng: http://paulkian.blogspot.com/. Ngayon nga hindi ko na siya nauupdate kasi masyado akong naadik dito sa Chorva. Visit niyo na lang siya at makibasa kapag may time kayo:
9. Sa ngayon tambay parin ako. Pero kahit ganun masayang-masaya ako. As in malalim na depinisyon ng kasiyahan. Siguro nga kaya ako napadpad ngayon sa Pampanga kasi ito talaga ang nakatadhana sa akin. Dito ko nakilala ang taong muling nagpatibok sa kinalawang kong puso (korni ba? haha)
10. Sabi ko sa sarili ko: "Balang araw babalik ulit ako sa Cavite..." Oh diba may pagbabanta? hehehe. Nandun kasi lahat ng friends ko. Mahirap na kasi makahanap ngayon ng kaibigang hindi ka iiwan sa ere. Mahirap na makahanap ngayon ng kaibigang sasaluhin ka sa panahon ng kagipitan. Noong January at nitong May nga lang dumalaw ako sa kanila. Sinugod namin ang Enchanted Kingdom. At kulang na lang lumangoy ako sa Rio Grande Rapids dahil ako lang ang nabasa sa aming magbabarkada.Ta*gna!
20 comments :
OMG! Chorva ang hirap hulaan. Kaya nag-mini-mynie-moe na lang akez.
heto yung tinamaan ng cursor:
"5. Siyempre noong mga panahong iyon feeling ko isa akong walang kwentang nilalang. Kaya naman lahat ng oportunidad kinuha ko. Unang pa-audition ng Survivor Philippines, sinubukan ko ang aking swerte. Sinamahan ako nina mommy at ate na mag-audition sa SM North Edsa. Alas-diyes na kami nakarating doon at ang pila? ayun libo-libo na. Siyempre pumila parin ako noh, kaso nung bandang hapon na at nung narerealize ko na walang pag-usad ang buhay doon, nagyaya na akong umuwi na lang."
i really love how your mom defends you. =) "IDIOT" haha..kaloka naman kaya masabihan ka nyan sa harapan ng maraming tao. Hehe insecure siguro yun kasi di sya marunong sumayaw. :D
whatever 10.. i like this post. tsaka yung dance sa video maganda. :D music and costumes.
creative nung style.
;)
feeling ko number 9.... feeling ko lang hindi ka tambay... hahahaha
6. feeling ko hindi ka nag audition. ramdam ko lng nmn. hirap pumili. haha :))
No. 2? hehe
Deym ang hirap, parang chain interconnected..hehehe.
my answer would be #4.
baka kasi di 12,000 yung balance pwedeng 12,001.. what a rationale from me :P
Hindi ko alam pipiliin ko.
iisip muna ko [[:
pero whaaaat?!Kelan kayo umindayog sa smd? Di ko napanood sayang T_T
[taga trece po ako :)]
Saka huhulaan ko ung school.
Cvsu / dlsu-d?
na late ata ako sa pagbasa. .
paano ko sasabihing kwentong barbero ang ilan kung may pampatibay ka gaya ng larawan at video, kaya eliminate na yung mga yun.
mag kakarugtong ang kwento mo eh hahahaha ang hirap .. na eliminate ko na lahat.. ..
hmmmm.....
baka hindi ikaw si paulkian (pinag dudahan pa daw kita) haha
...number 9 na lang siguro. wala ka talaga sa pampanga at hindi ka tambay. haha
. . . nice post sa madaling sandali ng pagbabasa ay nakilala kita ng lubusan. tentenen!
nakichorvaaaa....
baka naman number 2 or 3 ang kwentong chorva dito? lols
plagay ko ung number 5. Malakas tlga vibes ko eh..hehehe..pinhula ko din yan at pina feng-shui...hehhehe..
pax-link nman po..nag-enjoy ako sa post nu..srap maging tmbayan.
number 6..sigurado ako..hehehe.di mo na kelangan mag audition dahil pasadong pasado ka na..hehehe saya..
pa xlink po.. tnx
Akala mo ba'y matatakot mo ako at masisindak na hindi halata ..?? Hah!!! Sumagot kA...SagUt!!!
>>>>>>>>>Cut..!!:)
hmmm ang hirap ha hmmmm
wahhhhhh 9 ba ????
mornin
hula ko no.9 nafifil ko hindi ka masaya,haha kinontra eh noh, pro hula lang naman yun,
ang hirap naman. 5?
cge huhula ako uli..number 9 dis tym hehehe nakigaya lng..alam mo na madami n akong napili nung una eh sna makuha tlg hahaha
chorvakels
OMG parang lahat naman totoo ehh.
ahaha :D
taga cavite ka pala dati.Ü
bumalik ka dito at mag EB tayo ng bongga!
hehe.
i like you. :DD
nakakatuwa kasi mga post mo.
anyway, astig ahh. Ü
taray mo dear. :)
isa kang artista sa larangan ng teatro. Ü
salute!!!
Ü
Effort namang makichorva parang lahat merong connection pero parang dun nalang ako sa number...
10
:-D
pachorva na rin chorvalicious!
tingin ko number 8, di ka tambay i guess..^^
hahaha:) i love your entries..;) ei thanks for the nomination..;)
Post a Comment