ANG PAGHUHUKOM (WHATEVER 10 Revelation)
SINUNGALING ANG NUMBER:
7. Sinubukan kong maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Yung tipong walang kinalaman sa "call center". Maswerte parin ako kasi natanggap ako sa teatrong bayan dito sa amin. Kahit hindi kasing laki ng kinikita ko sa call center ang talent fee ko at least gustong gusto ko naman ang ginagawa ko. Proud ako at napasama ako sa una naming production ang: "Sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo." Ito nga pala yung video:
Nais kong ipadama ang isang daang porsyento at umaatikabong pasasalamat sa mga sumusunod:
- ACRYLIQUE--- Naku! sinabi mo pa, mahirap talaga manghula noh. Maski nga ako sa whatever 10 mo nahirapan din ako. Teka? hindi ka naniniwala na nag-audition ako sa Survivor Philippines? hehehe... Ang totoo nag-audition talaga ako. Last year ng May. Haaysst, nagsayang lang kami ng oras at pera kasi ba naman nagyaya na ako umuwi kasi nakakapagod na mangarap na matatanggap ako dun.lolz
- Gi-Ann--- Haaay naku, oo nga insecure lang siya. Malalang sakit yun, tsk! tsk! Kalalaking tao napakatsismoso. At eto pa ang trivia, schoolmate ko pala yung nagsabi kaya kapag nagkakasalubong kami dati sa campus super iwas siya...as in kulang na lang magtago siya sa mga puno ng acacia kapag nakikita niya ako hahaha lolz hahaha.
- Yj--- Mukha ba talaga akong hindi tambay? hahaha
- iamloved--- Mali rin po. Nag-audition talaga ako... hahaha nakakabaliw!
- RJ Naguit--- #2? hmmmm mali rin hehehe totoong nangyari yan. Minsan nga kapag dumadalaw ako sa Cavite nagkukrus parin ang landas namin nung nagsabi nun. Ayun super iwas parin siya. Natatakot siguro sa'kin hahaha.
- niqabi--- Natawa naman ako sa rationale mo, pero may point ka naman. Ngunit mali rin po ang hula mo. 12,000 po talaga ang balance ko sa school. Walang labis, walang kulang. Hindi ko pa nga nakukuha TOR ko, huhuhuhu
- Cayy Cayy--- Matagal na kami umiindayog sa SMD. Hindi mo lang siguro kami natiyetiyempuhan. Kapag youthweek sa Cavite ayun present lagi group namin. Taga trece ka pala noh? Madalas ako magduty diyan sa GEAMH at Korean, pati rin sa Mental. Yung school ko po ay secret na lang hehhe.
- PABLONG PABLING--- sabi nga Gus Abelgas: "...dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya" hehehe Pero minsan meron ding sinungaling na katibayan. Natuwa ako kasi nagustuhan mo ang post ko at nakilala mo rin ako sa pamamagitan nito. Kaya lang, mali po ang hula mo. Nandito po ako ngayon sa Pampanga, for good. =)
- Kosa--- 2 or 3? hmmm mali rin po kakosa, hehehe Naging maskom po ako dati at nagbenta ng kung anu-ano (maliban lamang sa aking virginity) magkaroon lang ng pantustos sa "uso" kong kurso.
- rico de buco--- Naku, sumasablay din minsan ang Feng shui Rico hehe at maging yung pangalawang panghuhula mo (#9) ay mali rin hehehe.
- shinichi kiddo--- Uy, nagwork po talaga ako sa call center ah. Technical Support Representative po ako ng Mcafee (isang anti-virus software). Siyeeet nosebleed!
- JasOnizeRs--- ako naman ang nasindak sa comment mo eh... hahaha
- KORKI--- Marami talagang nananalig na hindi ako tamabay hahaha. Tambay talaga ako ngayon. Isang palamunin. Wala ako work.(Juan tamad?)
- HARI NG SABLAY --- hahaha hindi naman po... Maligaya talaga ako ngayon, as in sooooobraaaaah...(hindi parin ba convincing?)
- stupidient--- Totoo pong nag-audition ako. Siguro yun na yung una't huli. Next time try ko sa PBB.
- [ k r y k ] --- I love you too!!! Sige ba kapag napasyal ulit ako diyan mag-EB tayo ng maluwalhati hehehe!
- Jepoy --- super effort din ako sa whatever 10 mo ah, parang multiple choice sa board exam. Pero mali ka po... hehehe
- PinkNote--- isa ka pa Pinknote sa naniniwalang isa akong produktibong nilalang ngayon, kaso tambay po talaga ako hahaha...
Sa madaling salita mga kachorva, walang nakahula ng tamang kasinungalingan!!!
ANG REBELASYON
Pagkatapos kong mag-resign sa call center, sinubukan kong maging tambay na hanggang sa ngayon ay kinakarir ko pa rin hehehe... Wala akong teatrong bayan na pinasukan dito sa Pampanga, pero napasama ako sa teatrong bayan sa Bulacan noong hayskul pa ako. Ang production na "Sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo..." ay isang short skit na mula sa aking direksyon at panulat. Ipinerform namin ito sa aming pamantasan sa Cavite. Wala ako sa mga umaakto ngunit ako 'yung voice over.
Gayunpaman kahit walang nanalo, meron parin akong alay sa mga taong nabanggit ko sa itaas...
Para sa'yo yan dahil Nag-participate ka sa Kachorvahang ito!
Naglalagablab na thank you sa inyo mga Kachorva!!!
6 comments :
Naku ang CHORVA talaga! May bagong award na namn ako.
Hindi naman sa hindi ako naniniwalang nag-audition ka sa Survivor. Feelingash ko kasi ikaw ang organizer. :)
Natuwa ako sa Premyong HTML :-D
Tenchu Chorva!!!!
anak din ako ng teatro. :D
chorva ahaha :D
salamat sa award. =)
adiq, mag-eb nga tayo ahh.
haha seryoso Ü
Chorvalicious, salamat sa award! yey! may award ulet ako. weeee... smoochness!
wahahay!
wala ring nanalo.
salamat sa award. ibabasket ko muna.
Post a Comment