Saturday, April 3, 2010

Just Dance Acapella



Cantika (friend), Audrey & Gamaliel Tapiheru (siblings). Teens from Jakarta, Indonesia.

Saturday, January 16, 2010

HINDI LAHAT NG GWAPO MAY GIRLFRIEND (yung iba may BOYFRIEND!)

HINDI LAHAT NG GWAPO MAY GIRLFRIEND ('yung iba may BOYFRIEND!) | Promote Your Page Too

Tuesday, July 21, 2009

Maglaro tayo!

Ito lang naman ang pinagkakaabalahan ko lately mga Kachorva... Nakakaadik din pala 'to noh?





for more games, visit:

Friday, July 17, 2009

Ang aking mga DRAGON

Kamakailan lang nauso ang pag-aalaga ng mga online dragons. Yes mga Kachorva, dragon nga! Yung dragon na kailangan marami ang bumibisita para lumaki...


Sa kasamaang palad nagsawa ako sa pangangampanya upang bisitahin ang dragon ko... February pa kasi ako nag-start mag-alaga ng ganito. Ito nga pala ang una kong dragon. Meet TRINITY.

Dragonadopters
click mo ako

At dahil nag-lumandi itong si TRINITY, nanganak pa siya ng panibagong dragon. Pinangalanan ko namang DESTINY ang anak niya. Ito siya:

Dragonadopters
click mo rin naman ako oh?

Teenager na siya ngayon at bukas, o sa makalawa maglalandi na rin. So after 4 months na hindi ko pagbisita sa kanila, "starving" na ang status nila. Ikaw ba naman hindi pakainin ng 4 months diba? Pero 'di parin sila namamatay. At eto pa ang nakakaloka, nakuha pang mangitlog! ito siya:

Dragonadopters

ako din please?

Wala pa siyang pangalan kasi hindi pa siya na-hahatch. Pero kung boy man siya gusto kong name niya ay KIERON o kung girl ulit baka SERENDIPITY. (ang landi diba?)

Bakit ko naisipang i-chorva 'to sa inyo? Hmmm... wala lang... para bisitahin mo sila Kachorva. i-click mo lang sila at hindi na sila malulungkot. Lalo na yung itlog sa itaas, para mapisa na.



Tuesday, July 14, 2009

5 MOST ADMIRED BLOGGERS for JULY 2009


in random order:


Coco Martin - Serbis Frontal Nudity


At dahil hindi naman talaga wholesome ang blog na ito, nais ko lamang i-share sa inyo ang kachorvahang natuklasan ko...


Ayon sa nasagap kong balita, kuha daw yan mula sa indie film ni Coco Martin na pinamagatang Serbis. May frontal nudity daw siya diyan...

Gusto mo ba talagang makita?

BABALA: 18 ka na ba? kung hindi ka pa 18 bawal sa'yo 'to... Pa-wholesome ka rin ba? kung oo, bawal din sa'yo 'to... Katabi mo ba nanay mo? wag mo na ituloy baka mabatukan ka pa!

Click [here]
Well, well, well, kayo na ang bahalang humusga diyan... Sa tingin niyo? Totoo ba ang putotoy ni Coco Martin diyan o isang prosthetics lang? Bumoto na!


Sa tingin niyo? Totoo ba ang putotoy ni Coco Martin diyan o isang prosthetics lang?
Oo naman! obvious kayang totoo!!!
Duh!!! mukha namang peke eh!
Hindi ako sure... hindi ko macompare eh!
Hindi rin ako sure... first time ko makakita ng putotoy eh...


Dahil takot ako mademanda mayroon akong mga
RELATED LINKS:

http://chuvachienes.com/2009/06/13/chuvahotness-18-coco-martin/
http://tunaynabading.blogspot.com/2009/06/coco-martin-serbis-frontal-nudity.html

Sunday, July 5, 2009

Sarah: Ang Munting Bratinella

Sino bang batang 90's ang hindi nakakakilala kay Sarah, ang Munting Prinsesa? Halos lahat na yata ng bata noong kasikatan nito alam ang istorya niya. Ginawan pa nga siya ng pelikula na si Camille Prats pa ang guamanap.

Kakalibot ko sa youtube natuklasan ko ang video na ito... Naloka talaga ako at 10 minutes akong tumatawa! Binalahura si Sarah at ginawang bratinella


Panoorin mo na dali! Promise suuuuper tatawa ka to the max!



Oh diba Kachorva?!!! Ano yung favorite line mo dun? Ako eto:

Alam mo para kang yung test ko kanina, kasi pareho kayong mahirap eh... haha

Thursday, July 2, 2009

Paano kaya kung may FACEBOOK na noong panahon ng mga KATIPUNERO?

Natawa ako sa mga banat ni Sisa diyan... Pati si Tandang Sora may kinakana... lolz!


click the image for better resolution


Nareceived ko lang ito mga Kachorva mula sa isang e-mail... Nakakatuwa!


Sunday, June 28, 2009

PUTANGINA ang POST na ito!


WARNING: Pasintabi sa mga hindi marunong magmura... Ang intensyon ng post na ito ay upang maipahayag lamang ang sama ng loob ng may akda... Maipahayag in an "artful way" (lolz!)

PUTANG INA MO is a phrase that should not be used by other nationality, only used by Pilipinos. It is a bad word, in english your a motherfucker. There are also other types of this:
tangina mo, tangna mo, tangena mo, potangena, pota, futangina mo etc.

e.g.
putang ina mong gago ka ha! tangina ka! ano?! putangina mo! mamatay ka na tangina kang puta ka!

Nagmula 'yan mga Kachorva sa http://www.urbandictionary.com/ Medyo nawala ang inis at sama ng loob ko... Try niyo pang basahin yung [iba]

Ito pa ang isa mga Kachorva:


may integridad ba? saan banda?


Haaaaaaaay! (hinugot mula sa kaila-ilaliman ng puso ko ang buntong-hininga na 'yan) Pasensiya na sa mga hindi gusto ang idea ng post na ito. Tao lamang ako na marunong magmura kapag nagagalit. Katulad ni Claudine Baretto na nagmumura kapag natatapilok... try niyong panoorin 'to mga Kachorva:



Ayan, medyo okay na ako...Salamat mga Kachorva!
Putangina talaga!


Saturday, June 27, 2009

May 9 na dolphins akong nakita!


Tama mga Kachorva! 9 na dolphins ang nagpakiliti sa inyong imahinasyon at nagdulot sa ibang tumitingin ng kakaibang sensasyon... lolz! Kung nakikita niyo sina HK at KH, well nadenggoy kayo dahil isa lamang silang ilusyon.

Pagmasdan maigi:


Ayon sa pag-aaral... (yes Kachorva, pinag-aralan ito!) ang mga inosenteng bata ay hindi makikita ang "intimate couple" ala HK & KH, dahil they don't have prior memory associated with such scenario... (Sosyal diba?)

Kung nahirapan ka Kachorva sa paghahanap ng mga dolphins sa loob ng 6 na segundo malamang corrupted na ang utak mo... hehehe...

sa mga nahirapan, don't worry marami tayo... lolz!

2 lang ang nakakuha ng tamang sagot, sina: Rwetha at abe mulong caracas
Congatulations sa inyo, ibigay niyo sa akin ang e-mail address niyo upang maipadala ko ang munting gantimpala.

nais mo ulit balikan ang [larawan]?


Thursday, June 25, 2009

How many dolphins can you see?


How many dolphins can you see?

Ang isang inosenteng bata ay maaaring makakakita ng maraming dolphins diyan sa larawan... Ikaw? Ilan ang nakikita mo?


Kung wala ka nang makita, isa lang ibig sabihin nun...

Malisyoso ka na! lolz!


Ang tamang bilang ng dolphins ay ibubunyag sa susunod na mga araw...

Nagmula ang picture [dito]


Monday, June 22, 2009

Are you fucking my husband?


Kamusta naman mga Kachorva... dahil katamaran mag-blog ngayon handog ko sa inyo ang video clip na ito mula sa pelikula ni Maricel Soriano na pinamagatang Minsan Lang Kitang Iibigin (1993).





MARIA: Huwag kang makikiapid! May isang tanong lang ako sa'yo, prangkahin mo na ako. May relasyon ba kayo ng asawa ko?

ZSA-ZSA: Relasyon?

MARIA: Relasyon... Kerida, kabit, number 2, mistress... Relasyon!

ZSA-ZSA: Terry!

MARIA: Wag mo kong ma-Terry-terry!!! Yung tanong ko sagutin mo, are you fucking my husband???!!!


(silence)


ZSA_ZSA: Minsan!

ehem! bato-bato sa langit ang tamaan, chorva!

Tuesday, June 16, 2009

ANG PAGHUHUKOM (WHATEVER 10 Revelation)



SINUNGALING ANG NUMBER:


7. Sinubukan kong maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Yung tipong walang kinalaman sa "call center". Maswerte parin ako kasi natanggap ako sa teatrong bayan dito sa amin. Kahit hindi kasing laki ng kinikita ko sa call center ang talent fee ko at least gustong gusto ko naman ang ginagawa ko. Proud ako at napasama ako sa una naming production ang: "Sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo." Ito nga pala yung video:


Nais kong ipadama ang isang daang porsyento at umaatikabong pasasalamat sa mga sumusunod:


  1. ACRYLIQUE--- Naku! sinabi mo pa, mahirap talaga manghula noh. Maski nga ako sa whatever 10 mo nahirapan din ako. Teka? hindi ka naniniwala na nag-audition ako sa Survivor Philippines? hehehe... Ang totoo nag-audition talaga ako. Last year ng May. Haaysst, nagsayang lang kami ng oras at pera kasi ba naman nagyaya na ako umuwi kasi nakakapagod na mangarap na matatanggap ako dun.lolz
  2. Gi-Ann--- Haaay naku, oo nga insecure lang siya. Malalang sakit yun, tsk! tsk! Kalalaking tao napakatsismoso. At eto pa ang trivia, schoolmate ko pala yung nagsabi kaya kapag nagkakasalubong kami dati sa campus super iwas siya...as in kulang na lang magtago siya sa mga puno ng acacia kapag nakikita niya ako hahaha lolz hahaha.
  3. Yj--- Mukha ba talaga akong hindi tambay? hahaha
  4. iamloved--- Mali rin po. Nag-audition talaga ako... hahaha nakakabaliw!
  5. RJ Naguit--- #2? hmmmm mali rin hehehe totoong nangyari yan. Minsan nga kapag dumadalaw ako sa Cavite nagkukrus parin ang landas namin nung nagsabi nun. Ayun super iwas parin siya. Natatakot siguro sa'kin hahaha.
  6. niqabi--- Natawa naman ako sa rationale mo, pero may point ka naman. Ngunit mali rin po ang hula mo. 12,000 po talaga ang balance ko sa school. Walang labis, walang kulang. Hindi ko pa nga nakukuha TOR ko, huhuhuhu
  7. Cayy Cayy--- Matagal na kami umiindayog sa SMD. Hindi mo lang siguro kami natiyetiyempuhan. Kapag youthweek sa Cavite ayun present lagi group namin. Taga trece ka pala noh? Madalas ako magduty diyan sa GEAMH at Korean, pati rin sa Mental. Yung school ko po ay secret na lang hehhe.
  8. PABLONG PABLING--- sabi nga Gus Abelgas: "...dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya" hehehe Pero minsan meron ding sinungaling na katibayan. Natuwa ako kasi nagustuhan mo ang post ko at nakilala mo rin ako sa pamamagitan nito. Kaya lang, mali po ang hula mo. Nandito po ako ngayon sa Pampanga, for good. =)
  9. Kosa--- 2 or 3? hmmm mali rin po kakosa, hehehe Naging maskom po ako dati at nagbenta ng kung anu-ano (maliban lamang sa aking virginity) magkaroon lang ng pantustos sa "uso" kong kurso.
  10. rico de buco--- Naku, sumasablay din minsan ang Feng shui Rico hehe at maging yung pangalawang panghuhula mo (#9) ay mali rin hehehe.
  11. shinichi kiddo--- Uy, nagwork po talaga ako sa call center ah. Technical Support Representative po ako ng Mcafee (isang anti-virus software). Siyeeet nosebleed!
  12. JasOnizeRs--- ako naman ang nasindak sa comment mo eh... hahaha
  13. KORKI--- Marami talagang nananalig na hindi ako tamabay hahaha. Tambay talaga ako ngayon. Isang palamunin. Wala ako work.(Juan tamad?)
  14. HARI NG SABLAY --- hahaha hindi naman po... Maligaya talaga ako ngayon, as in sooooobraaaaah...(hindi parin ba convincing?)
  15. stupidient--- Totoo pong nag-audition ako. Siguro yun na yung una't huli. Next time try ko sa PBB.
  16. [ k r y k ] --- I love you too!!! Sige ba kapag napasyal ulit ako diyan mag-EB tayo ng maluwalhati hehehe!
  17. Jepoy --- super effort din ako sa whatever 10 mo ah, parang multiple choice sa board exam. Pero mali ka po... hehehe
  18. PinkNote--- isa ka pa Pinknote sa naniniwalang isa akong produktibong nilalang ngayon, kaso tambay po talaga ako hahaha...


Sa madaling salita mga kachorva, walang nakahula ng tamang kasinungalingan!!!


ANG REBELASYON

Pagkatapos kong mag-resign sa call center, sinubukan kong maging tambay na hanggang sa ngayon ay kinakarir ko pa rin hehehe... Wala akong teatrong bayan na pinasukan dito sa Pampanga, pero napasama ako sa teatrong bayan sa Bulacan noong hayskul pa ako. Ang production na "Sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo..." ay isang short skit na mula sa aking direksyon at panulat. Ipinerform namin ito sa aming pamantasan sa Cavite. Wala ako sa mga umaakto ngunit ako 'yung voice over.


Gayunpaman kahit walang nanalo, meron parin akong alay sa mga taong nabanggit ko sa itaas...

Para sa'yo yan dahil Nag-participate ka sa Kachorvahang ito!

Naglalagablab na thank you sa inyo mga Kachorva!!!








Thursday, June 11, 2009

WHATEVER 10 (CHORVA Style)

Kung may version sina Pablong Pabling, Jelai, Rj, Cayy, Iamloved, Homer, Chikletz at sa kung sinu-sino pa... (patawad po kung hindi ko nabanggit...) siyempre dapat may sariling version ang Chorva ng:


"WHATEVER 10"

same rules... isa sa mga 10 na nasa ibaba ang kwentong barbero kaya hulaan mo na!



1. Mahal ko ang teatro. Sa katunayan grade school pa lamang ako umaarya na ako sa entablado. Pagtuntong ng kolehiyo mas lalo ko pang napagyaman ang hilig ko sa sining. Isa sa mga paboritong performance ko ay ang pagsayaw sa tugtog na: Baliw. Ilang beses kasi namin itong naisayaw sa SM dasma at maging sa aming pamantasan.



2. Nung sinayaw namin siya sa SM Dasma inimbitahan kong manood ang ate at ang aking mommy. Sa kalagitnaan ng aking pagsasayaw may isang lalaki daw ang nag-comment sa harapan nila. Ang sabi:

"Asus! bakla naman yan eh!".

Narinig ng ate ko ang sinabi nung lalaki kaya dali-dali niyang
sinumbong kay mommy. Biglang tumaas ang blood pressure ng aking ina. Sa sobrang pagpapanting ng tainga niya, ito ang nasabi ni mommy:

"Hindi bale nang bakla, matalino naman! IDIOT!!!"

Sabay walk-out nung nagsabi... lolz



3. Dati akong Mass Communication student sa isang sikat na pamantasan sa Cavite. Dahil nauso
ang kursong Nursing, nakipagsabayan na rin ako. Medyo nahirapan nga lang kami sa gastusin. Kaya naman nung panahong nasa level 2 ako, nagbenta ako ng brownies at chicharon sa school para makaipon ng pambili ko ng OB Bag (isang bag na naglalaman ng mga kagamitang pang-nars). Ayun, awa ng Diyos nakabili ako sa Bambang.

4. At dahil hindi sapat ang pagbebenta ng brownies at chicharon upang mapunan ang mga gastusin sa "uso" kong course, napilitan akong huminto noong nasa level 3 na ako. Sayang nga eh, kasi matatapos na yung 2nd semester noong mga panahong iyon. Kaso wala akong magawa dahil 12,000 ang balance namin sa school kaya hindi ako nakapag finals. huhuhu... Ngayon nga naiisip ko na nakakamiss din pala yung pagduduty sa ospital. At siyempre namimiss ko rin ang teatro. Pero no regrets.

5. Siyempre noong mga panahong iyon feeling ko isa akong walang kwentang nilalang. Kaya naman lahat ng oportunidad kinuha ko. Unang pa-audition ng Survivor Philippines, sinubukan ko ang aking swerte. Sinamahan ako nina mommy at ate na mag-audition sa SM North Edsa. Alas-diyes na kami nakarating doon at ang pila? ayun libo-libo na. Siyempre pumila parin ako noh, kaso nung bandang hapon na at nung narerealize ko na walang pag-usad ang buhay doon, nagyaya na akong umuwi na lang.



6. Hindi man ako nag-survive sa napakahabang pa-audition ng Survivor Philippines, sinuwerte
naman ako sa ibang bagay. Muli akong naki-uso at natanggap sa mundo ng call center. Kahit noon tatanga-tanga ako pagdating sa technical chorva, pinilit kong isinaksak sa kokote ko ang mga terminolohiyang pang-computer. After 7 months, nagresign ako kasi:

- Katamaran, naisip ko magaaral naman ulit ako sa October eh.
- Nakaipon na ako, sa katunayan ako ang bumili ng computer na ginagamit ko ngayon.
- Hindi ako masaya sa trabaho. May mga pagkakataong kulang na lang ihampas ko ang ulo ko sa
monitor sa sobrang stress.

7. Sinubukan kong maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Yung tipong walang kinalaman sa "call center". Maswerte parin ako kasi natanggap ako sa teatrong bayan dito sa amin. Kahit hindi kasing laki ng kinikita ko sa call center ang talent fee ko at least gustong gusto ko naman ang ginagawa ko. Proud ako at napasama ako sa una naming production ang: "Sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo." Ito nga pala yung video:



8. At dahil hindi naman araw-araw may raket ang theater group na nasalihan ko kaya ngayon isa akong dakilang tambay.lolz. Isa sa mga naging libangan ko ang blogging habang naghihintay ng susunod na raket. Mahilig din kasi ako magsulat lalao na ng mga fictional stories na may kinalaman sa aking mundo. Sa katunayan, para sa mga hindi nakakaalam ako ang may-ari ng: http://paulkian.blogspot.com/. Ngayon nga hindi ko na siya nauupdate kasi masyado akong naadik dito sa Chorva. Visit niyo na lang siya at makibasa kapag may time kayo:



9. Sa ngayon tambay parin ako. Pero kahit ganun masayang-masaya ako. As in malalim na depinisyon ng kasiyahan. Siguro nga kaya ako napadpad ngayon sa Pampanga kasi ito talaga ang nakatadhana sa akin. Dito ko nakilala ang taong muling nagpatibok sa kinalawang kong puso (korni ba? haha)

10. Sabi ko sa sarili ko: "Balang araw babalik ulit ako sa Cavite..." Oh diba may pagbabanta? hehehe. Nandun kasi lahat ng friends ko. Mahirap na kasi makahanap ngayon ng kaibigang hindi ka iiwan sa ere. Mahirap na makahanap ngayon ng kaibigang sasaluhin ka sa panahon ng kagipitan. Noong January at nitong May nga lang dumalaw ako sa kanila. Sinugod namin ang Enchanted Kingdom. At kulang na lang lumangoy ako sa Rio Grande Rapids dahil ako lang ang nabasa sa aming magbabarkada.Ta*gna!



Good Luck sa panghuhula! Naka-tag ka na!

at maligayang ARAW NG KALAYAAN!


Ang premyo ay ibibigay ko kapag ipopost ko na ang mga mananalo.


Wednesday, June 10, 2009

5 MOST ADMIRED BLOGGERS for JUNE 2009






in random order:




CONGRATULATIONS!!!

You may now claim your badge [HERE]



Tuesday, June 9, 2009

RANDOM CHORVA: Si Daddy, si Pacquiao, ang mahal ko, at si Cinderella...


Malapit na ang Father's Day kaya naman (dapat???) ang blog entry na ito ay may konting kinalaman sa mga haligi ng tahanan. Hmmm... parang duduguin ang singit ko kapag pinagusapan natin ang Dad ko. Bakit? Well, "pribadong buhay" mga kachorva☺. Kaya bilang tribute na lang sa mga Papa diyan, handog ko sa inyo ang mga picture na ito:

ang cute cute mo talaga!

Ang litratong 'yan ay nagmula sa http://funnypicturejokes.blogspot.com/ Marami pa akong natuklasang mga father and son photoshoped fun pics kaya kung gusto mong matawa sa mga oras na ito click mo lang [ito]


Speaking of photoshop, iba na talaga ang nagagawa nito sa ngayon. Ang magandang mukha/katawan ay mas napapaganda pa o 'di kaya'y napapapangit. Ang pangit na mukha/katawan ay pwede ring pagandahin, at siyempre pwede ring papangitin ng sobra-sobra! Isa sa mga pinaka-paboritong biktima ng Adobe Photoshop ay si Pacquiao. sa katunayan kapag sinearch mo sa Google ang salitang: "pacquiao spoof" ito ang mga lalabas:



Actually marami pa talaga, as in soooobrang dami pa. Kung ilalagay ko siya lahat dito baka isipin ng mga kachorva natin Pacquiao hater ako lolz! Kaya ayan na lang namili na lang ako.

(Kasalukuyang naka-receive ng mensahe ang aking telepono, binasa ko...)

Ayan, ang ganda ng quote share ko lang sa inyo mga kachorva:

Kung ang words nga kailangan ng space para maintindihan, ang tao pa kaya?

Oh diba ang ganda? Haaay, naalala ko tuloy 'yung mahal ko. Madalas kapag hindi kami magkaunawaan lalo na kapag may mga tampuhan chorvanels, naiisip ko kailangan magpalamig muna. Pero iba yung "magpalamig" sa cool-off ha? Magkaiba yun mga kachorva. Dapat kapag ang isa sa inyo nagagalit dapat binibigyan siya ng space para makahinga siya ng malalim (parang ganito: Inhale... Exhale...) Tipong papalipasin lang muna ang galit niya. Kasi walang mangyayari kung sasabayan mo lang din siya diba?

ibuga mo baby!

Napaguusapan na rin lang ang pag inhale at exhale. Tiyak na mapapabilis ang paghinga at pagtibok ng puso mo kapag napanood mo ang Korean horror film na pinamagatang Cinderella. Ooops! hindi siya yung tipikal na Cinderella na naiwan ang sapatos sa party. Basta maganda yung twist nito. Try mo panoorin ang trailer sa baba.




Thursday, May 28, 2009

PODCAST CHORVAHAN: Isang Saglit, Amoy Anghit!




presents...



i-PLAY mo na dito:







*magiwan lamang ng comment sa post na ito para sa inyong opinyon at saloobin sa topic. wag kalimutan ang inyong blog upang mabanggit sa susunod na PODCAST CHORVAHAN!


Wednesday, May 27, 2009

RANDOM CHORVA: Pampatanggal Stress!



Mahilig akong manuod ng mga gay independent films, mapa-foreign man o gawang pinoy. Para sa akin isa itong way para maalis ang stress sa aking isip. Kagabi, at last! natagpuan ko rin ang mga missing parts ng pel
ikulang "KAMBYO" (mula sa mga gumawa ng "Ang Lihim Ni Antonio" at "Ang Lalake Sa Parola") Kung ire-rate ko siya? 2 stars lang ibibigay ko... Mas maganda parin di hamak ang dalawang naunang pelikula nila Joselito Altarejos (ang direktor ng mga nabanggit na indie films) at si Lex Bonife (ang sumulat).


Napaguusapan narin lang ang mga gay indie films, isa sa mga iniidolo slash pinagnanasahan slash pinagpapantasyahan slash napapanaginipan kong indie film actor ay si Coco Martin (Oo promise!hehehe). Hindi pa siya masyadong sikat noon at wala pang teleserye na "Tayong Dalawa" kilala ko na siya. At dahil nananabik ang mata kong mapanuod siyang muli hinanap ko sa Youtube ang pelikula niyang pinamagatang "DAYBREAK"... Ayun, na-dissapoint ako kasi nawawala yung part 3. Sabi sa Youtube: Video unavailable, has been removed because of violating a chorva!
Kainis tuloy! ayaw ko namang panoorin ng hindi siya kumpleto. (PARANG NA-STRESS AKO DUN)



Anyways, move on! Sabi nila kung may hindi magandang nangyari may kapalit naman iyon na ikalilligaya mo. At talagang naligayahan ako dito sa spoof ng commercial at bagong ringtone ng bayan ng Camelia Homes ang: "Bulilit...Bulilit...sanay sa masikip..." (pero ang tunay na title niya ay: "SIKIP") Panoorin niyo mga kachorva. hahaah



Oh diba nakakatuwa siya. At dahil nauuso ang patalastas na ito laman na rin siya sa mga telepono ng mga kachorva natin. Kakabrowse ko ng Multiply, natagpuan ko kung saan pwede i-download ang kantang "Bulilit..." Salamat kay DJ Keiff ng multiply. Maari kayong mag-request sa kanya ng pwede i-download na songs dito sa kanyang site: http://djkeiff.multiply.com/


Sana next time may spoof narin at ringtone akong mahagilap ng commercial ng Lucky Me na ang title ay: "MAGNIFICO" Ang cute din kasi ng bata dun.

"Never say die... Tomorrow is another day!"


At dahil dun, bumalik ako pansamantala sa aking pagkabata. Naglaro ako ng Street Fighter Online. At nerealized ko na isa rin siyang epektibong paraang pampatanggal stress (hehe). Actually sinubukan ko siyang i-download sa PC ko pero, nagkanda-letse-letse kaya ayun nagtiyaga na lang ako sa site na [ito] Maraming games din diyan para sa m
ga musmos at isip batang tulad ko.

Hadouken!!! sorry K.O.!


Friday, May 22, 2009

The Saga of EDERLYN


Meet Ederlyn and friends...


Kulangot VS Prince Charles


I was searching pictures from google and I found this:

Made by: Christopher Aquino who is known as cmaotaku and Chris A. Visit his blog: Life on a Pencil.