Tuesday, June 9, 2009

RANDOM CHORVA: Si Daddy, si Pacquiao, ang mahal ko, at si Cinderella...


Malapit na ang Father's Day kaya naman (dapat???) ang blog entry na ito ay may konting kinalaman sa mga haligi ng tahanan. Hmmm... parang duduguin ang singit ko kapag pinagusapan natin ang Dad ko. Bakit? Well, "pribadong buhay" mga kachorva☺. Kaya bilang tribute na lang sa mga Papa diyan, handog ko sa inyo ang mga picture na ito:

ang cute cute mo talaga!

Ang litratong 'yan ay nagmula sa http://funnypicturejokes.blogspot.com/ Marami pa akong natuklasang mga father and son photoshoped fun pics kaya kung gusto mong matawa sa mga oras na ito click mo lang [ito]


Speaking of photoshop, iba na talaga ang nagagawa nito sa ngayon. Ang magandang mukha/katawan ay mas napapaganda pa o 'di kaya'y napapapangit. Ang pangit na mukha/katawan ay pwede ring pagandahin, at siyempre pwede ring papangitin ng sobra-sobra! Isa sa mga pinaka-paboritong biktima ng Adobe Photoshop ay si Pacquiao. sa katunayan kapag sinearch mo sa Google ang salitang: "pacquiao spoof" ito ang mga lalabas:



Actually marami pa talaga, as in soooobrang dami pa. Kung ilalagay ko siya lahat dito baka isipin ng mga kachorva natin Pacquiao hater ako lolz! Kaya ayan na lang namili na lang ako.

(Kasalukuyang naka-receive ng mensahe ang aking telepono, binasa ko...)

Ayan, ang ganda ng quote share ko lang sa inyo mga kachorva:

Kung ang words nga kailangan ng space para maintindihan, ang tao pa kaya?

Oh diba ang ganda? Haaay, naalala ko tuloy 'yung mahal ko. Madalas kapag hindi kami magkaunawaan lalo na kapag may mga tampuhan chorvanels, naiisip ko kailangan magpalamig muna. Pero iba yung "magpalamig" sa cool-off ha? Magkaiba yun mga kachorva. Dapat kapag ang isa sa inyo nagagalit dapat binibigyan siya ng space para makahinga siya ng malalim (parang ganito: Inhale... Exhale...) Tipong papalipasin lang muna ang galit niya. Kasi walang mangyayari kung sasabayan mo lang din siya diba?

ibuga mo baby!

Napaguusapan na rin lang ang pag inhale at exhale. Tiyak na mapapabilis ang paghinga at pagtibok ng puso mo kapag napanood mo ang Korean horror film na pinamagatang Cinderella. Ooops! hindi siya yung tipikal na Cinderella na naiwan ang sapatos sa party. Basta maganda yung twist nito. Try mo panoorin ang trailer sa baba.




9 comments :

  1. Niqabi said...

    hahahaha ang kulit ng ichura.. :P

  2. missGee said...

    awww!ang cute ni daddy and baby

    nako baka magalit nyan si aling Dionesia(ay laaabyoo manny*sabay flying kiss*)
    haha

  3. aLgene said...

    ang cute ng father and son. :D

  4. KORKI said...

    hm! nakakatuwa hehehe natawa ako dyan:)

  5. KORKI said...

    :) [tawa] natuwa ako

  6. Liza said...

    ang galing talaga ng photoshop. :)
    kaso wala naman ng P5.00 na papel eh.. barye nalang


    happy blogging.

  7. keb said...

    Ayayay! Kyut yung ama at baby. Ang chorva eh. Well, nice post, ang titindi ng pics. Iyon nga palang sa chorva awards, are you sure I'm qualified? Ehehe.. thanks!

  8. Mac Callister said...

    im back sa chorvahan!

    haha funny pictures i love that father and son pic! and oh that pacquiao in a bikini too hilarious!

    nakita na kaya ni manny to?haha

  9. Rcyan M. said...

    Sino ba 'to? Hahaha! Ang kulit nung magtatay!