Wednesday, May 27, 2009

RANDOM CHORVA: Pampatanggal Stress!



Mahilig akong manuod ng mga gay independent films, mapa-foreign man o gawang pinoy. Para sa akin isa itong way para maalis ang stress sa aking isip. Kagabi, at last! natagpuan ko rin ang mga missing parts ng pel
ikulang "KAMBYO" (mula sa mga gumawa ng "Ang Lihim Ni Antonio" at "Ang Lalake Sa Parola") Kung ire-rate ko siya? 2 stars lang ibibigay ko... Mas maganda parin di hamak ang dalawang naunang pelikula nila Joselito Altarejos (ang direktor ng mga nabanggit na indie films) at si Lex Bonife (ang sumulat).


Napaguusapan narin lang ang mga gay indie films, isa sa mga iniidolo slash pinagnanasahan slash pinagpapantasyahan slash napapanaginipan kong indie film actor ay si Coco Martin (Oo promise!hehehe). Hindi pa siya masyadong sikat noon at wala pang teleserye na "Tayong Dalawa" kilala ko na siya. At dahil nananabik ang mata kong mapanuod siyang muli hinanap ko sa Youtube ang pelikula niyang pinamagatang "DAYBREAK"... Ayun, na-dissapoint ako kasi nawawala yung part 3. Sabi sa Youtube: Video unavailable, has been removed because of violating a chorva!
Kainis tuloy! ayaw ko namang panoorin ng hindi siya kumpleto. (PARANG NA-STRESS AKO DUN)



Anyways, move on! Sabi nila kung may hindi magandang nangyari may kapalit naman iyon na ikalilligaya mo. At talagang naligayahan ako dito sa spoof ng commercial at bagong ringtone ng bayan ng Camelia Homes ang: "Bulilit...Bulilit...sanay sa masikip..." (pero ang tunay na title niya ay: "SIKIP") Panoorin niyo mga kachorva. hahaah



Oh diba nakakatuwa siya. At dahil nauuso ang patalastas na ito laman na rin siya sa mga telepono ng mga kachorva natin. Kakabrowse ko ng Multiply, natagpuan ko kung saan pwede i-download ang kantang "Bulilit..." Salamat kay DJ Keiff ng multiply. Maari kayong mag-request sa kanya ng pwede i-download na songs dito sa kanyang site: http://djkeiff.multiply.com/


Sana next time may spoof narin at ringtone akong mahagilap ng commercial ng Lucky Me na ang title ay: "MAGNIFICO" Ang cute din kasi ng bata dun.

"Never say die... Tomorrow is another day!"


At dahil dun, bumalik ako pansamantala sa aking pagkabata. Naglaro ako ng Street Fighter Online. At nerealized ko na isa rin siyang epektibong paraang pampatanggal stress (hehe). Actually sinubukan ko siyang i-download sa PC ko pero, nagkanda-letse-letse kaya ayun nagtiyaga na lang ako sa site na [ito] Maraming games din diyan para sa m
ga musmos at isip batang tulad ko.

Hadouken!!! sorry K.O.!


8 comments :

  1. madz said...

    Nakakatuwa talaga 'yung commercial na bulilit :P

    Gusto ko rin 'yung sa lucky me, kinabisado ko na nga eh, he he

  2. Jffklein said...

    nice blog... napadaan lang po :D

  3. Marlene said...

    ahehe....

    ayan...

    makikichorva din...

    meron din akong napanood na mga Gay Films...

    Pero di ako sure if Indie yun...

    napanood ko yung short film na,

    ANG PINAKAMAHABANG ONE NIGHT STAND...

    nagkaroon kasi ng PINK FESTIVAL sa aming paaralang dakila...

    ayun...

    sama mo na rin yung Jupit *spelling check*

    ni ate Gay...

    ahehe...

    cute cute cute...

  4. Mac Callister said...

    mahlig din ako sa mga gay themed movies pero most of the time foreign movie kasi nakaka disappoint ang mga pinoy made e.

    and about youtube,tama ka madalas sila mag alis ng mga part ng movie dun kasi violation of copyrights daw!kainis!

  5. Dave said...

    San ba pwede makapagdownload ng mga pelikula na indie na nabanggit mo? Thanks po!

  6. chorvacheorvamus said...

    Never kasi ako nag-download ng mga movies eh, kaya kapag may gusto ako panoorin sinisearch ko siya sa google... minsan nasa youtube sila kaso tulad nga ng sabi ko may pagkakataon na may missing parts...

    Try to search: wingtip pinoy torrent downloads

    pwede ka magsearch jan ng mga indie films na nais mo...

  7. Reagan D said...

    panalo ang bulilit vid!haha!

  8. Rei Mikazuki said...

    hahaha! para namang mai sakit na di malaman ung lalake sa bulilit spoof. neahahaha!